Saturday, February 22, 2014

ILECO Online Payment Proposal

I’m sure that the Management of ILECO noticed also that every month na andami talagang consumer ang nag babayad sa office nila. As a consumer also, palagi ko ring na e-experience ito kada buwan sa tuwing magbabayad ako. Kailangan mong maghintay ng matagal bago ka maka pagbayad. I’m aware also na meron ding silang ginawang alternative like sa pag bayad sa mga banko or even sa mga malalaking department store like SM pwedi kang maka pagbayad dun sa customer service counter nila.

Yun nga lang marami na rin akong na experience na nag kakaroon ng glitch kasi there are times na na witness ko na maraming nag co-complain sa office ng ILECO dahil daw sa hindi updated yung record nila. Yung ibang nag babayad using these alternatives ay kampanti ng naka pag bayad na sila pero gulat na lng sila na pinutulan sila ng kuryente dahil daw sa hindi sila naka pag bayad. So kailangan pa nilang uli pumunta ng opisina ng ILECO para mag verify at ipa update ang record nila, waste of time di ba?

Maganda sana yung initiative nila para dun sa alternative na payment option kaso lang hindi lang maganda yung processo dahil hindi updated record nila. I would suggest na aside from the alternatives mentioned above, how about online payment? Since marami na sa ating mga kababayan yung my mga internet sa bahay nila bakit hindi kaya nila simulan yung systema na ito? I can tell that this is much convenient dahil hindi na nating kailangan mag waste ng time para pumunta sa office nila or sa mga accredited payment station nila.

As for my Self mas kampanti ako sa online payment dahil palagi ko itong ginagawa, for example sa pagbayad ng BDO Credit card ko or sa SMART accounts ko I am using online payment, very convenient dahil kahit nasa bahay ako or opisina maka pag bayad ako on time na walang hassle. Sa ILECO Management why don’t you try this option ILECO Online Payment magandang pakinggan di ba?

Wednesday, February 19, 2014

Hindi Organizadong Computer Maintenance – ILECO I

Gusto ko lang e share yung experience ko last few days ago nang nag bayad ako ng bill ko sa Sta. Barbara ILECO I. Maaga akong dumating dun sa Opisina nila para mag bayad, actually wala pang 8:00 AM yun. Kumuha ako ng numero ko at saka nag hintay, yung numero ko ay nasa 71. Bahagyang dumadami na yung mga taong mag babayad sa mga oras na yun, masaya ako ng nakita ko ng mag bukas yung mga Tellers, my tatlong tellers both kasi yung ILECO I Sta. Barbara Office. Bali na estimate ko na kung continues lang yung operations nung mga Tellers nila mga 20-30 minutes lang matatapos na ako.

Nagulat na lang ako ng nakita kung my dumating na mga tao na my bitbit na mga computers tapos pina tigil yung mga teller tsaka binaklas nila ng sabay-sabay yung mga computers at tsaka pinalitan nila ng bago. Natigil ngayun yung operation, I was expecting na madali lang kaya nag hintay pa rin ako. Nung na tapos na nilang mapalitan yung sa isang Teller Both nag try na silang mag accept ng payment pero hindi pa pa la sila sigurado kung gagana ung application nila, kina kailangan pang e assist sila ng computer technician para malaman yung tamang process. Imagine Isang teller both pa lang yun kaya instead na mapadali yung operation naku bumagal tuloy, yung estimated time ko na 20-30 minutes naging more than 2 hours.

Gusto ko lang e correct yung process nila, sana dahil alam naman nila na mag u-upgrade sila ng computers nila sana yung schedule nila ay during off peak or weekend. Yung mga araw at oras na walang operation para hindi ma apektuhan yung mga members nilang nag babayad. Tapos kung hindi talaga pwedi sa weekend sana hindi nila pinag sabay-sabay yung pag palit ng unit sana one at a time lang para hindi masyadong ma apektuhan yung operation nila. Kailangan yata mag learn yung management ng Sta. Barbara ILECO I ng tamang process.