Wednesday, February 19, 2014

Hindi Organizadong Computer Maintenance – ILECO I

Gusto ko lang e share yung experience ko last few days ago nang nag bayad ako ng bill ko sa Sta. Barbara ILECO I. Maaga akong dumating dun sa Opisina nila para mag bayad, actually wala pang 8:00 AM yun. Kumuha ako ng numero ko at saka nag hintay, yung numero ko ay nasa 71. Bahagyang dumadami na yung mga taong mag babayad sa mga oras na yun, masaya ako ng nakita ko ng mag bukas yung mga Tellers, my tatlong tellers both kasi yung ILECO I Sta. Barbara Office. Bali na estimate ko na kung continues lang yung operations nung mga Tellers nila mga 20-30 minutes lang matatapos na ako.

Nagulat na lang ako ng nakita kung my dumating na mga tao na my bitbit na mga computers tapos pina tigil yung mga teller tsaka binaklas nila ng sabay-sabay yung mga computers at tsaka pinalitan nila ng bago. Natigil ngayun yung operation, I was expecting na madali lang kaya nag hintay pa rin ako. Nung na tapos na nilang mapalitan yung sa isang Teller Both nag try na silang mag accept ng payment pero hindi pa pa la sila sigurado kung gagana ung application nila, kina kailangan pang e assist sila ng computer technician para malaman yung tamang process. Imagine Isang teller both pa lang yun kaya instead na mapadali yung operation naku bumagal tuloy, yung estimated time ko na 20-30 minutes naging more than 2 hours.

Gusto ko lang e correct yung process nila, sana dahil alam naman nila na mag u-upgrade sila ng computers nila sana yung schedule nila ay during off peak or weekend. Yung mga araw at oras na walang operation para hindi ma apektuhan yung mga members nilang nag babayad. Tapos kung hindi talaga pwedi sa weekend sana hindi nila pinag sabay-sabay yung pag palit ng unit sana one at a time lang para hindi masyadong ma apektuhan yung operation nila. Kailangan yata mag learn yung management ng Sta. Barbara ILECO I ng tamang process.

No comments:

Post a Comment